Thursday, August 2, 2018

Filipino ating palaguin, Pilipinas ating paunlarin

Ang paggamit ng sariling wika ay isang sinyales na sila ay makabayan. Dahil ang paggamit nito ay may mahalagang papel sa pag-unlad ng isang bansa, ngunit dahil tayo ay tumitira sa modernong mundo, marami na tayong inangkop na mga salita at kultura. Isa rin sa mga dahilan kung bakit maraming inangkop na mga tradisyon at salita ang Pilipinas ay dahil sa malawakang kasaysayan nito. Sapagkat ang Pilipinas ay nasakop ng iba't ibang bansa tulad ng Amerika. Sa paglipas ng maraming taon, ang mga tradisyon na ating naangkop sa ating mga mananakop ay ating pinagpatuloy hanggang sa tayo ay masanay, Ngunit dapat tayo ay gumawa na ng pagbabago at tangkilikin ang sariling atin. Sa taong ito, ang tema ng  buwan ng wika ay "Filipino: Wika ng Saliksik".

Sa palagay ko, ang wika ng saliksik ay ang mas madalas na paggamit ng ating wika sa mga gawain tulad ng mga ulat, at pagsusulat ng mga takdang aralin. Ayon sa tema, hinihikayat tayong mga Pilipino na gamitin at palawakin ang kuhulugan ng ating wika. Huwag nating hayaan na mabalewala ang lahat ng pinaghirapan ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng pagbabalewala ng ating wika. Palalimin natin ang ating pagkakaunawa at pagkakaintindi patungkol sa paksang ito. Ang pagigiging makabayan ay mahalaga, sapagkat ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa ating bansa at sa ating sariling atin. Sa paglipas ng taon, aking naoobserbahan na ang madalas na ginagamit nating salita ay pinaghalong Filipino(Tagalog) at Ingles at tinawag itong "taglish." Nais ko lang linawin na hidni isang krimen ang pagsasalita nito, ngunit dapat nating pag-aralan ng mas mabuti ang ating wika, dahil ang ating wika ay isa sa mga nagpapakilala sa ating mga Pilipino. Bigyan natin ng oras ang pagpapalawak ng ating pagkilala sa ating wika. 

Gawin natin ang wikang Filipino bilang ating pangunahin wika, tayo ay magtulungan upang hindi ito mawala sa ating mga Pilipino. Patibayin natin ang ating paggamit ng wikang Filipino, at huwag nating ikahiyang gamitin ito, sapagkat dumaan sa maraming paghihirap at digmaan ang ating mga ninuno upang magkaroon lamang tayo ng ating sariling wika at isang malayang bansang titirhan ng bawat Pilipino. Paunlarin natin ang sariling atin, upang maibalik antin ang ating titulo na isa sa mga mayayamang bansa sa Asya. Isipin, kumilos, umaksyon, para sa mas maunlad na Nasyon.

7 comments: